Pagtingala
Sa gabing madilim, tangi kong liwanag ay buwan at bituin.
Titingala at pipikit habang muka ko ay hinahampas ng malamig na hangin.
Pagmulat ng mata, kislap ng isang malaking tala.
Sana isang araw tayo rin na ay magkakilala.
Minamahal kita kahit milya milya ang ating dipa
Habang buhay na magiging tapat, sana pag ibig ko ay sapat.
Di man ako kagandahan tulad ng iba, siguro mga joke ko ay pwede na.
Mapangite lang kita, ako ay kumpleto na.
Walang hihilingin, ikaw sana ay maging tapat din sa akin.
Pag-ibig ko ay dingin, ito po ang aking panalangin.
Buong buhay ay naghihintay, ayokong mag isang humimlay.
Ang ang aking pagtingala sa tala ay sadyang nakakangalay
ngunit kung ito lamang ang paraan para tayo ay magkonekta
Why not? kahit magka stiff neck pa.
